Sa umaga: Pandesal, minsan pancit canton, kung sesewrtehin..hotsilog
Sa tanghali: Chopsuey, hotdog, kikiam, fishballs
Sa gabi: Ganun ule pero mas unti na nga lang
^Yan lng naman ang kadalasan naming kinakain sa bahay this week. Walang Max's, Mcdo, o karinderya ni Aling Bebang man lang.. Lahat ng yan, home-made! LOLs.
Oo, walang bahid nang pagkabongga sa mga pagkain naming ito pero masaya ako dahil masarap naman ang pagkakaluto nito ng aking mommy. Sa mga sosyalistang makakabasa man nitong post ko, malamang ang sasabihin ay, "EEEEEEWWWW!! What's that?! You eat those kind of Crap? Us here, we eat Beef Steak, Paella, Italian Style Chicken Curry, Pancakes for breakfast blahblah.." E ano naman kung yun ang kadalasan niyong kinakain?! As long as may kinakain ako, yun ang importante. Duh. Marami kaya ang namamatay sa gutom sa buong mundo.. So dapat, hindi choosy sa pagkain at kung anuman ang nakalapag sa hapag-kainan, dapat kainin..
At sa mga kapwa ko na mahirap (pero cool tulad ko :P) na mababasa ang mga uri ng mga pagkaing kinakain ko, sasabihin naman nila'y, "YEAH ROCK! Mabuhay ang mga jologs!". ;D
O, change topic..Naeexcite nako sa Sunday! Get-together ng clan namin sa father's side eh. We'll go to the house of the Ongpin's. For sure, mahaba-habang kainan na naman ito! YAHOOOOO!
Hahaha yun lang. Pasensya na at walang kwenta masyado ang post kong ito. =))
Friday, April 23, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment